Isang madamdaming pagpupugay ang inialay ng Lungsod ng Borongan para sa 125th Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas na ginanap sa City Plaza, Hunyo 12.
Pinangunahan ng alkadle ng Borongan, Jose Ivan Dayan Agda ang pagtaas ng watawat at pag-alay ng bulaklak sa monumento ng bayaning si Jose Rizal kasama ang bise alkalde, mga Miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga pinuno ng iba’t ibang mga tanggapan ng LGU.
Nagbigay ng malalim na kahulugan si PMAJ Gwen Corregidor, sa pagpupugay ng watawat na isa sa malaking parte ng selebrasyon nga araw ng kalayaan.
Sa mensahe naman ni alkalde Agda, kanyang ipinabatid na palaging maging makabayan sa pamamagitan ng maka-Diyos at maka-bansa. “Umpisahan natin sa ating sarili lalong lalo na sa ating bayan para maisakatuparan ang kahulugan ng pagiging independente,” ayon pa sa alkalde.
Pagdiriwang at pag-alay sa mga sakripisyo at pagsisikap ng mga ninuno ang isa sa mga kahulugan ng kalayaan, ayon pa sa pambungad na mensahe ng bise-alkalde Emmanuel Tiu Songco.
Naging matagumpay ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagdalo ng iba’t ibang hanay ng kagawaran ng mga tanggapan ng pamahalaang pambansa tulad ng PNP, BFP, BJMP, Philippine Coastguard, Philippine Maritime Police, mga pinuno ng lokal na organisasyon at pribadong sektor, mga pinuno ng kagawaran ng edukasyon, Free and Accepted MASON of the Philippines, East Gate Lodge 232, at ng Borongan City Knights of Columbus.
Pinasalamatan naman ni PLTCOL Dexter Astacaan ang lahat ng dumalo at sa naging mapayapang pagsagawa nang nasabing selebrasyon.
#BoronganonDisiplinadoAko